Sa pagbabalik tanaw sa atin Heograpiya, ang ating bansang Pilipinas ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Ito ay Luzon, Visayas at Mindanao. At binubuo ng 7,107 na mga kapuluan.
Mindanao Map |
Ang Mindanao is the second largest island of the Philippines.
Ang Mindanao ay syang din lugar na dominant ang atin mga kapatid na mga Muslim.
Mindanao ay syang lugar na kinakakatakutan ng ilan natin mga kababayan. Pilipino man o mga banyaga. Dahil sa ito ay sikat sa televisyon, pamahayagan, radio na maraming nangyayari na gulo o magulo. Ang ilan sa atin ay takot sa pumunta sa Mindanao kay baka makidnap, ma bomba etc..
Taon 2005 ng una akong pumunta ng Mindanao. Sa General Santos City. From Visayas to Mindanao. At first di ko maiwasan na ikumpara ang lugar namin sa gensan.
At kung ikumpara ko noon ang Gensan ay medyo malayo sa lugar namin. (iloilo City)..
Ang una kung napansin sa Gensan, ay malayo sa inaasahan ko. Inaasahan ko na ito ay nakakatakot na lugar. Magulo o delikado. Pero di po pala. Ito ay tahimik. Simpleng pamumuhay lang.
Mura ang mga gulay, isda at mga prutas. lalo na ang durian.
Sa pag lipas ng mga araw nasabi ko sa akin sarili tahimik din pala ang mindanao. Di rin ito nakakatakot.